2

Masaya yong mga unang araw at buwan. Masayang masaya ako. Hindi ko alam kung kasing saya kita noong mga araw na yon pero siguro, malalaman mo kapag nasa kabilang buhay na tayo. Sa sobrang saya ko, hindi ko napansin, na nag aaway na din pala tayo nuon. Na iniiwan mo ko mag isa, na inaalisan mo ako. Na lagi mo din ginagawa habang tayo. Sa ngayon, iniisip ko kung pareho ba tayo ng nararamdaman nung mga panahon na yon?

Hanggang nabuntis ako, kay Raeden. Natuwa ako sa reaksyon mo nuon. Wala kang galit o pag aalala, nakita kong naka ngiti ka. Kaya akala ko masaya ka. Si Raeden ang pinaka importanteng tao sa buhay ko nuon. At ikaw. Hindi masyadong malinaw ang memorya ko sa detalye, pero may pagkakataon na halos maglupasay ako sa harapan mo para lang maintindihan mo yung sinasabi ko. Hirap na ako nung mga panahon na yon, pero tiniis ko. Kasi mahal kita.

Iniisip ko, bubuo tayo ng pamilya, magiging masaya ka at ako pati na ang anak natin. Masyadong mabilis ang lahat. Pero ako, wala akong pakialam. Ang alam ko masaya ako, at masaya ka rin. Kung gaano kaimportante sa akin yung relasyon natin, alam ko na ganun din yon kaimportante para sayo.

 

Log in to write a note