Blog 05
Another Day Another Story To Share
“Sabi ko sa nakaraang blog ko magkikita kami ni Y kaso hindi natuloy kasi marami s’yang ginawa pero nandun padin ako sa harap ng gate ng school namin naghinhintay ng himala HAHAHA kasi naman think positive ako kahapon sabi ko sa sarili ko “ah baka prank lang nila to na hindi sila matuloy kasi may mga ginagawa sila pero ang totoo talaga paparating na sila” so ganyan ako ka positive kahapon pero hindi talaga sumipot ang dalawang kagang. Dalawang oras ako nakatayo sa harap ng gate pero okay naman kasi may lalaki naman sa gilid ko parang may hinihintay din s’ya. Kami lang dalawa sa harapan ng gate naka tayo. Gwapo s’ya, maputi, same height kami syempre matangkad ako, tapos ang boses n’ya ahhhhh. Sa totoo lang talaga sa boses talaga ako ma aattract.”
Update about Him
so diba hindi kami natuloy kasi ng marami syang ginagawa tapos 10pm na ako naka uwi kagabi tapos nag cha-chat din kami tapos sabi ko sa kanya matutulog na ako kasi antok na talaga ako so sabi ko “nyt” oo nyt lang hindi sya “good night” ano s’yang diamond para sabihan ng buo? anyway hindi kona hinintay reply n’ya kasi inaantok na talaga ako so inoff kona yung wifi, wala ako sa mood para maki pag call sa kanya. So ayun tulog na nga ako tapos bigla nalang sisikat ang araw myghad bakit ang bilis ng panahon? Gising ng ako 7:45 am tapos phone agad yung hawak ko.Tapos pumunta agad ako sa Facebook tapos ayun may message na isa pero akala ko Gc lang namin so ayun inopen ko pero yung lumabas is yung name n’ya nakaka kilig pero alam n’yo ano yung mas nakakakilig? Yung Good Morning n’yaaaa tangina ang aga nakaka gana bumangon ito sabi n’ya “Good Morning⛅ Don’t forget your breakfast and always smile in the beautiful morning shine💓✨” diba may pa emoji2 pa s’yang na lalaman. So sinong tanga hindi kikiligin d’yan?
‘yun lang muna tinatamad ako tapos marami pa akong sasagutan na activity