3

Nuong nabuntis ako kay Raeden at nalaman nila Mama, sabi nila baka delikado dahil na stroke na ako. Ako din kinakabahan nuon. Ewan ko lang sayo kung nag aalala ka sa akin. Sabi nila tumigil ako mag trabaho. Nagalit ka, sabi mo “hindi naman mabigat ang headset” sabay labas ng bahay namin. Sinundan kita. Himbis na mag sorry ka dahil sa inasal mo, ako pa ang umamo sayo, kahit na offend ako sa sinabi mo. Hindi tama yon. Kung may paninindigan ka sa akin, sasabihin mo na “kapag nahirapan sya, magtatrabaho naman po ako” o kaya “kaya naman daw po nya e, pero kung hindi, kaya ko naman po sya panagutan”. Pero muli, hindi mo kayang tumayo para sa akin. Akala ko ganun ka lang kasi na pe pressure ka, kaya inintindi ko.

Log in to write a note