Doubt

3/20/2022

DearLord,

Ano po bang dapat kong gawin. Pakiramdam ko wala naman akong hihintaying sagot sa mga apply ko. Sa totoo lang pagod na kong patunayan ang sarili ko. Walang naniniwala sakin, na tipong kahit ako nagda-doubt na din sa sarili ko.

Sobrang sama ko na po ba? Wala akong lovelife, friends pati career.

Tinatanong ko nga sarili ko Lord bakit kaya ako ganito? May mali po ba sa akin.

Lord bigyan nyo po sana ako ng pagasa. Parang ang bigat lang Ng nararamdaman ko.

Minsan nasasabi ko sa sarili ko, sana tulad nila ako. Di naman po ako ganuong kaingget, pero opo naiinggit ako. Gusto ko lang din namang maranasan yung mga bagay na nasa ibang tao.

Naiisip kong karma ko ito. Baka ganito na talaga ako.

Naawa ako sa anak ko. Natatakot akong baka isang araw wala na kong maipangsuporta sa kanya. Ang tanda ko na pero hanggang ngayon wala pa din akong napapatunayan sa sarili ko.

Palagi nalang akong naliligaw. Di ko alam kung saan at ano ang gagawin ko. Tulungan mo ako.

 

Log in to write a note