Failed

3/21/2022

Dear Lord,

It’s been 1month since I left the company. Kanina nakarecieved ako ng email galing sa isa kong in-apply-an… “We regret to inform you…blah blah blah”. Sanay na naman ako pero nalulungkot pa din ako. Pakiramdam ko paliit ng paliit ang opportunity ko. Iniisip ko nalang na baka di para sa akin, or baka may iba kang plan sa akin na…alam mong makakabuti sakin.

Pinipilit kong wag magpaka-stress…

Alam ko you always provide for me, kagaya kahapon… Kailangan kong magbayad ng internet buti binigyan ako ng kapatid ko ng 1k.

Sana Lord sa mga apply ko may tumanggap naman sa akin. Gusto ko sana yung sa Sunlife para malapit lang ako.

Alam kong ibibigay mo kung anong makakabuti sa akin.

Kagabi nagkausap ulit kami ni Mark. Nagiisip tuloy ako kung ano ba dapat kami. Pero okay na din yung ganitong setup…magkaibigan, atleast di ako nape-pressured.

Ingatan nyo po sana kami palagi araw-araw. Maraming salamat po.

 

Log in to write a note